Saturday, October 29, 2011

Diamante


diamante na hale sa langit
sa mga dahon asin awot nasabit
sa pagsirang kang bulawan na aldaw
tugtog kang paros sinda nagsayaw
malipot sa sakong palad
urawang kapot ko asin nagbabalad
tuninong na ang kabasan
ang hamog nagkikinangan


Uyan Na


nag si'rip na ang bilog na bulawan
ang huni kang sadit na bayong namatian
nagdadalagan na ang mga kaakian
nagpoon na ang pagkawat sa dalan
naghahanda na ang para oma
makusog na ang karabaw na kaiba
ang lambat pwede na giraray sa lawod
sa para sira tapos na ang kulog ki boot
oras na sa pag laba
mainit magayon mag pamara
e unat na ang mga braso asin kamot
uyan na ang aldaw kugoson ki pag kamoot


..... At Huli Na


                Ramdam ko ang patak ng init ng kanyang luha sa aking mga pisngi. Nagpapaalam subalit walang tinig mula sa kanyang bibig. Nagsusumigaw ang isip at damdamin ko, bingi ang kanyang pagkatao. Tahimik subalit di marinig ang taghoy at pagtangis ng pusong unti unting nadudurog. Muling dumampi ang kanyang labi sa aking pisngi sa huling pagkakataon. Tumingin sya sa orasan, nabuong muli ang mga basag na salamin. Bumalik ako sa nakaraan ………..

                Nag away kami dahl sa simpleng bagay, mga simpleng bagay na dapat pag usapan. Nasaktan ko sya, napagbuhatan ng kamay. Nag dilim ang aking paningin. Nakita ko ang aking anak sa pinto nakatingin at umiiyak. Umalis ako ng bahay, lumabas, niyaya ang mga kaibigan at nakipag inuman. Nalasing ilinabas ang sama ng loob. Umuwi akong lasing, naabutan ko ang asawa ko at muling sumiklab ang apoy na sana ay unti unti ng nagiging abo. Muling naglabasan ang mga salitang gumuguhit sa aking dibdib, pumupunit sa aking pagkatao. Sigawan ditto sigawan doon. Umiiyak ang aking anak, nagmamakaawa, ngunit huli na. Tumarak sa akng dibdib ang punyal mula sa kanyang nangangalit na kamay. Sa bawat pagbaon ng talim ng galit, ang pagpumiglas ng aking pagkatao.

                Halos wala na akong buhay ng siya’y matauhan. Hinagkan nya ako sa huling pagkakataon.

                Ramdam ko ang patak ng init ng kanyang luha sa aking mga pisngi. Nagpapaalam subalit walang tinig mula sa kanyang bibig. Nagsusumigaw ang isip at damdamin ko, bingi ang kanyang pagkatao. Tahimik subalit di marinig ang taghoy at pagtangis ng pusong unti unting nadudurog. Muling dumampi ang kanyang labi sa aking pisngi sa huling pagkakataon. Di ko nasabing mahal na mahal ko siya.


Sunday, October 23, 2011

Ang Surat


      Naging mamundo si Janine kang nagadan ang saiyang ama. Naaksidente ini asin naraot ang saiyang pandok. Huri ta kangu’dan asin paborito, dae maako kang aki ang pag kawara kang saiyang ama. Sarong bangi hinapot nya ang saiyang ina kun pag abot sa langit mamidbidan sya ni God. Sabi kang ina sige nene padara ka ki surat ki God kung yaun na duman si papa mo. Nagkuwa ki papel asin lapis si Janine sabay surat.

Dear Papa God,

     Nagsurat po ako ta muya kop o maaraman kung yaon na dyan si papa ko, baad pano dae mo sya mamidbidan ta naraot po ang saiyang pandok kang siya naaksidente. Salamat tabi ta maski diit na panahon pinasubli mo sakuya si papa, padabaon ko siya. Sana alagaan mo po sya dyan. Kaiba po sa surat na ini ang ladawan ni papa nganing mamidbidan mo po sya. Ipapadara mi po ining surat na nakagakod sa sarong lobo, ta sabi daa halangkawon ang langit, di dakol na lobo babakalon ni mama para maka abot po saimo tulos ang surat ko.

Salamat po, I love you.
Janine


     Kinaagahan nagbakal si mama ni Janine ki sarong bugkos na lobo asin ginakud duman so surat. Pinalayog ninda so lobo asin nangadyi si Janine na sana maka abot so surat. Halangkaw na so lobo kan sinda nag ali.


      Paglipas ki sarong semana, may nag abot na package sa harong nara Janine, may libro sa laog pero daing nakalaag kung saen hale. Ang titulo kan libro, A Daughter’s Love. Sa Laog kaini ang saro man na surat asin ang ladawan kang saiyang ama binasa ninda so surat.




Dear Janine,

     Yaun na si papa mo digdi, marhay man siya digdi sa sakuyang kahadian. Dae man nawara si papa mo ta namidbidan ko siya tulos. Digdi gabos perpekto na, maogma si papa mo. Kasabay kaining surat ang saiyang ladawan para marumduman mo ang saiyang maogmang buhay. Dae ka na magmundo aki ko.


Love,
Papa God


     Pig si’rip ni Janine ang kalangitan, nagluwas ang saldang kan aldaw. Maogma ang saiyang boot na aram nya maogma ang saiyang ama.


Saturday, October 22, 2011

Sa Lamay Ni Lolo


Lamay ni Lolo, 2006

                Hindi ko maihakbang ang aking paa papasok sa tahanan ng aking lolo, parang may bolang bakal na nakakabit na hila hila ko. Nasa loob na lahat ng mga kamag anak ko. Kita ko na ang mga ilaw sa tabi ng ataul ni lolo, ang mga alay na bulaklak sa dating makisig at palangiting lolo ko. Hakbang. Hakbang. Nakita ako ng aking lola at agad pinapasok. Pinagmasdan ko ang mukha ng aking lolo, gandang lalaki pa din. Parang natutulog lang.

                Andoon lahat ng mga kamag anak ko, mula sa tiyuhin, tiyahin, pinsan, pamangkin, ina, ama, kapatid at kapatid sa labas. Kapatid sa labas???? Oo, may kapatid ako sa labas. Marami kami. Tatlo? Apat?  Walo? Siguro. Hindi ko mabilang at ayaw ko na ring bilangin. Nagbihis ako pagod sa byahe, nagpahinga. Sindi ng sigarilyo naghahanap ng makaka usap. Aaminin ko galit ako sa mga kapatid ko sa labas, ewan ko kung bakit siguro na-iingit ako dahil nasa kanila ang atensyon ng aking ama. Sa kanila binuhos lahat ng oras na dapat para sa amin. Maraming kaarawan na di ko nakasama ang aking ama. Nagtapos ako na pag-aaral di man lang siya ang nagsabit sa akin ng medalya.

                Nakatulog ako, marahil sa sobrang pagod. Nagising ako sa ingay sa labas ng kuwarto ko. Andoon na ang aking ama kasama ang bago niyang asawa at mga anak. Tanggap na din ng pamilya ang relasyon nila kahit noon pa nangyari yun. Bata pa ako ng maghiwalay sila ng mama ko. Walang muwang bakit wala akong ama sa tabi ng aking pagtulog. Walang amang kalaro. Walang nagtuturo sa mga takdang aralin. Lumabas ako, wala na si ama nasa taas nakikipag inuman sa mga kaibigan nya. Umakyat ako para kumuha ng damit. Tinawag ako ng aking ama, ewan ko kung bakit. Binigay sakin ang unang tagay sa unang alak na binuksan nya. Umupo ako. Ipinakilala ako ng aking ama sa mga kaibigan nya. Eto ang panganay ko. Nagulat lahat sila, maging ako. “Proud ako sa anak ko, kahit wala ako sa tabi nya sa kanyang paglaki ay naging mabuting tao sa kanyang kapwa. Hindi naging pasaway sa kanyang ina.” Masaya ang pakiramdam ko, kahit paano alam ko na ang nasa saloobin ni ama. Tinawag nya ang mga kapatid ko sa pangalawa nyang asawa at pinakilala ang bawat isa.

                Kinausap ko ang mga kapatid ko ng sarilinan. Di ko kasalanan o kasalanan mo na maging mag kaiba ang ating ina. Ang mahalaga mag kapatid tayo at tanggap natin ang isa’t isa.

                Lamay ang pinuntahan ko, okasyon na pighati ang dulot, pero para sa akin masaya ang araw na iyon.


Ang Pakikipaghuron Ko Sa Sarong Bua


inapod ako kan sarong bua kan ako naglalakaw
sabi nya sako "mari digdi sa taning ko magtukaw"
pig ambog sako ang saiyang kayamanan
ang hapot ko hanggang sain man an

binaba ang muro, tinuro so saiyang pigtutukawan
hanggang sa dai mo na maiiling iyo an
ako nag ulok pero ako saiyang iniling
pinurot an saiyang kawing kawing

ibahan mo ako ang taram sa sako
sabihon sa sakuya nata bako?
ako ang hadi sa lugar na ini
gabos sako ang yaon digdi

pigturo sako so mga aking nag ra rugby
kung totoong may nagmamawot nata wara sinda digdi
mga gurang na pinabayaan kan pamilya
nata kaya kan saindang kunsenya

mga mayaman na warang paki aram sa kapwa tawo
maski piso dae makata'o
politikong nagpapayaman kan sadiring bulsa
mga pig sisirbihan kahirak na baga

ako napa isip sa sinabi kang buang ini
garo may tama baga siya adi
sa sadiri nindang mudo sinda ang hadi
nag uulok maugma minsan nag hihibi


Thursday, October 20, 2011

OFW

April 1999

       Akap akap ni mama si bunso umiiyak, nagpapaalam. Nagtatanong kung bakit sya aalis, kung bakit iiwanan nya kami. Nakasangla na ang lupa sa probinsya, binenta na lahat ng gamit at natitira na lang ang kaldero't lutuan na de uling. Wala na ang TV pati ang radyo. Hayaan nyo, kapag nakaipon na ako maibabalik din natin ang lahat ng iyan, mas maganda pa. Para sa inyo naman ang lahat ng ito.

       Limang oras bago ang malungkot na araw na iyon, sama sama kami at nag salo sa huling tanghalian na kasama si mama. Masaya pero nakakubli sa mga ngiti ang kurot sa puso nya, na iwan ang mga anak para mangibang bayan.

       "Para makatikim kayo ng imported na tsokolate, mag suot ng magagarang damit, magandang kagamitan. Laruan. Relo. Pabango. Makakayanan ko naman ang trabaho ko doon, para din akong nasa bahay. Mag aalaga ng bata. Magluluto. Maglilinis. Maglalaba, mula umaga hanggang gabi."

        Napangiti si bunso.........bagong laruan kapalit ang mawalay si mama sa kanya. Dalawang taon, dalawang pasko, anim na kaarawan naming tatlong magkakapatid na wala sya.

       Paalam mama........dalawang taon LANG naman.


Sa Sakuyang Paghurop Hurop Sa Buhay

mintras ako nag tutukaw sarong bangi
naghihiling kang mga tawo na nag aagi
nag iisip nag huhurop hurop dangan pig kakalot
ang mga bagay na sa sakong payo diit na nagraraot

may mga pobre asin kulang sa pag iisip
may nagkakaon ki sarong beses sakong nasi'rip
nagkakatarog sa gilid kan dalan
pagkaon na pigkukuwa sa basurahan

bado na sa sarong bulan sana nalalabhan
parong na mabata daing karigos sa laog ki sarong bulan
aki na dapat nag aadal
uyan sa tinampo nag aanap ki pagkaon pambakal ki pandesal

nag papabakal ki sampagita sa may simbahan
pigtituyaw pig papa hale dyan sa may hampangan
ang mga anghel na ini nata napabayaan
lugod sindang dapat maka sabot ang magtabang

pag higop ko kan sakong pig iinom na kape
napa agi so bua sa hampang mi
dara dara mga bagay na para sai'ya kayamanan
mga simpleng bagay digdi sa kinaban na hale sa basurahan

simpleng buhay man sana siguro ang muya ninda
ang makakaon ki tulong beses sa maghapon marhay na
ang magkaturog na may maimbong na tamong
sa may atop asin may lanob na harong