Friday, November 9, 2012

Paalam, Aking Guro


ayokong umiyak
ayoko din malungkot
subalit anong magagawa
mainit ang pumapatak na luha
sa bawat tawa mo
sa bawat ngiti mo
sinong di makakaalala
sa turo mong magaganda
oras ay di nawawalan ng saya
sa tuwing nakaharap ka na sa kanila
ang bawat pangaral
ang bawat mabubuting asal
naging mabuting ina ka sa amin
naging inspirasyon
naging halimbawa

ipagpaumanhin mo kung papatak ang aking luha

paalam aking guro
sa muling pagkikita