Nagsusumigaw na ang haring araw ng magkita kami sa parke malapit sa simbahan, halos malayo din ang aking nilakbay para marating ko ang sinasabi niyang ang kanyang lihim na lugar. Hawak ko ang aking paboritong inumin, nakatayo sa labas ng isang tindahan. Binati ko sya sa unang pagkakataon na aming pagkikita. Isang matamis na ngiti ang sinalubong nya sa akin, at ako din sa kanya. Hinila nya ako ng kanyang mata na sundan ko siya sa kanyang lihim na lugar kung saan tahimik ang paligid at walang pakialam ang mundo. Naglalakad kami sa sigaw ng init ng araw subalit kumakanta ang hangin na parang ako’y hine hele. Masaya ang kanyang mga mata sa unang pagkakataon na ako’y kanyang nakita.
“ Kumusta ka? ” isang ngiting kay sarap pagmasdan ang kanyang ibinato sa akin habang naglalakad kami. “ Heto mabuti naman, masaya akong nagkita tayo. Saan mo pala ako dadalhin? ” tanong ko sa kanya habang kami naglalakad na di alintana ang init. Hawak ko pa din ang aking inumin at inalok siya, isang ngiti lang at iling ang kanyang sinagot. “ Malayo pa ba? Parang walag katapusan to. ” pabirong tanong ko sa kanya. Tinuro nya lang ang isang malaking tarangkahan “ Malapit na, wag ka lang titingin sa na ka bantay .” Nakarating din kami sa wakas. “ Ito ang aking lihim na lugar, akin ito. ”
Maganda ang lugar, gusto ko. Mahangin at maraming puno. Malawak nga ang kanyang mundo. Sana meron akong ganito kung saan malaya ako. Malamig ang ihip ng hangin kahit ang sikat ng araw ay pumapaso sa aking balat. Umupo kami sa isang sementadong upuan at nag usap. Buong maghapon puno ng kwentuhan. Lahat na ata ng pwedeng mapagkwentuhan ay napag usapan na naming. Tahimik. Ang kanyang mga boses lamang ang aking naririnig, ang kanyang panaka nakang pag tawa sa aking mga kuwento. Mga tanong na wari’y akala mo walang sagot pero meron pala. Masaya ang buong maghapon, tawanan, kuwentuhan, mga bagay na bihira mong ibahagi ngunit masarap pala kapag ang bukas ang isip ng iyong kausap.
Ayoko pang umuwi subalit nagsisimula ng mag agaw ang liwanag at dilim, niyakap ko sya at sinabihang masaya ako sa araw na ito na nagkasama kami at nag kausap. Bago kami naghiwalay ng landas, pumasok kami sa simbahan upang magpasalamat. Pagpapsalamat sa mga bagay bagay na kahit papano’y nagpapsaya sa amin, mga bagay na kahit papano sa sandaling panahon ay naging makabuluhan. Sa aking pagpapaalam, isang ngiti muli ang aking nasilayan. Isang ngiti mula sa isang engkantanda na nagbibigay ng liwanag sa madidilim na gabi. Masaya ako at dinala nya ako sa kanyang paraiso, sa kanyang sariling mundo.
No comments:
Post a Comment