Wednesday, April 11, 2012

Dapit Hapon

ang pag ibig natin
parang liwanag ng araw
nakabighani
nakaka aliw pagmasdan
ang init nito'y kay sarap namnamin

isang magandang tanawin sa silangan
kay sarap yakapin at samyuhin
nakakapaso
ako'y nadadarang
ng di ko namamalayan

habang tumatagal
lalong umiinit
lalo akong nasasabik
parang mga labi mo
na nais kong humalik

subalit sa paglipas ng oras
pag ibig ay nanlalamig
tila sumusuko sa langit
pilitin man ay di na maibabalik
init ng pag ibig ay hirap ng ipanumbalik

ang pag ibig ay tulad ng dapit hapon
pilitin mo ma'y di maikakahon
ang init ay mapapalitan ng lamig
na sa buong araw buong puso'y pinananabik
lilipas ang init at maiiwan ay pasakit

ang dapit hapon ng pag ibig ay dumidilim
kahit anong pagtangis, kahit anong pag amin
subalit dala nito'y isang bagong umaga
isang bagong pag ibig
na sa ati'y muling magpapasaya


No comments:

Post a Comment