Monday, December 5, 2011

Ang Regalo

                Disyembre 25. Madaling araw. Tototot totot tototot. May mensahe sa kanyang cellphone, ang kanyang kasintahan . Madaling araw na, ano kayang importanteng sasabihin nya sa akin at di na pinagpabukas pa. Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang mensahe. Kailangan natin magusap bukas, sa dating lugar. Di ko alam kung bakit ganun pero iba ang pakiramdam ko. Kinakabahan. Bumangon na ako at di na nakatulog pang muli. Nagtimpla ng kape at binuksan ang bintana. Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin sa aking mukha. Tumila na din ang ulan sa wakas.

                Nauna akong dumating sa lugar na pinag usapan naming. Mataas na ang sikat ng araw subalit malamig ang aking pakiramdam. Dala siguro ito ng hangin na iniwan ng magdamag na ulan. Naglalaro ang mga paru paro at isa isang hinahalikan ang mga bulaklak sa parang. Ang lamig pa rin ng simoy ng hangin, araw ng pasko. Ang lahat ay masaya subalit ako’y kinakabahan. Araw ng pasko.

                Dumating din sya sa wakas at niyakap nya ako. Umiiiyak. Sandaling tumigil ang oras, tahimik ang paligid. Hinawakan ko ang kanyang mukha at tinitigan ng matagal. Tinanong ko siya kung ano ang problema. Sandali siyang di umimik. Tahimik akong nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Sinabi nya sa aking buntis siya. Sabi nya problema ito. Niyakap ko sya at sabing “ Hindi yan problema, iyan ang pinakamagandang regalo ngayong pasko.”


No comments:

Post a Comment