Saturday, October 29, 2011

..... At Huli Na


                Ramdam ko ang patak ng init ng kanyang luha sa aking mga pisngi. Nagpapaalam subalit walang tinig mula sa kanyang bibig. Nagsusumigaw ang isip at damdamin ko, bingi ang kanyang pagkatao. Tahimik subalit di marinig ang taghoy at pagtangis ng pusong unti unting nadudurog. Muling dumampi ang kanyang labi sa aking pisngi sa huling pagkakataon. Tumingin sya sa orasan, nabuong muli ang mga basag na salamin. Bumalik ako sa nakaraan ………..

                Nag away kami dahl sa simpleng bagay, mga simpleng bagay na dapat pag usapan. Nasaktan ko sya, napagbuhatan ng kamay. Nag dilim ang aking paningin. Nakita ko ang aking anak sa pinto nakatingin at umiiyak. Umalis ako ng bahay, lumabas, niyaya ang mga kaibigan at nakipag inuman. Nalasing ilinabas ang sama ng loob. Umuwi akong lasing, naabutan ko ang asawa ko at muling sumiklab ang apoy na sana ay unti unti ng nagiging abo. Muling naglabasan ang mga salitang gumuguhit sa aking dibdib, pumupunit sa aking pagkatao. Sigawan ditto sigawan doon. Umiiyak ang aking anak, nagmamakaawa, ngunit huli na. Tumarak sa akng dibdib ang punyal mula sa kanyang nangangalit na kamay. Sa bawat pagbaon ng talim ng galit, ang pagpumiglas ng aking pagkatao.

                Halos wala na akong buhay ng siya’y matauhan. Hinagkan nya ako sa huling pagkakataon.

                Ramdam ko ang patak ng init ng kanyang luha sa aking mga pisngi. Nagpapaalam subalit walang tinig mula sa kanyang bibig. Nagsusumigaw ang isip at damdamin ko, bingi ang kanyang pagkatao. Tahimik subalit di marinig ang taghoy at pagtangis ng pusong unti unting nadudurog. Muling dumampi ang kanyang labi sa aking pisngi sa huling pagkakataon. Di ko nasabing mahal na mahal ko siya.


No comments:

Post a Comment