April 1999
Akap akap ni mama si bunso umiiyak, nagpapaalam. Nagtatanong kung bakit sya aalis, kung bakit iiwanan nya kami. Nakasangla na ang lupa sa probinsya, binenta na lahat ng gamit at natitira na lang ang kaldero't lutuan na de uling. Wala na ang TV pati ang radyo. Hayaan nyo, kapag nakaipon na ako maibabalik din natin ang lahat ng iyan, mas maganda pa. Para sa inyo naman ang lahat ng ito.
Limang oras bago ang malungkot na araw na iyon, sama sama kami at nag salo sa huling tanghalian na kasama si mama. Masaya pero nakakubli sa mga ngiti ang kurot sa puso nya, na iwan ang mga anak para mangibang bayan.
"Para makatikim kayo ng imported na tsokolate, mag suot ng magagarang damit, magandang kagamitan. Laruan. Relo. Pabango. Makakayanan ko naman ang trabaho ko doon, para din akong nasa bahay. Mag aalaga ng bata. Magluluto. Maglilinis. Maglalaba, mula umaga hanggang gabi."
Napangiti si bunso.........bagong laruan kapalit ang mawalay si mama sa kanya. Dalawang taon, dalawang pasko, anim na kaarawan naming tatlong magkakapatid na wala sya.
Paalam mama........dalawang taon LANG naman.
No comments:
Post a Comment